84
lagman
Jul 29, 2018 @ 13:29
By

Ombudsman, pinag-iingat ni Lagman sa ‘pressure’

Umaasa si Albay Rep. Edcel Lagman na paninindigan ni Ombudsman Samuel Martires ang pangako nito na hindi niya hahayaang magamit siya o ang kanyang opisina bilang kasangkapan sa political persecution.

Ayon kay Lagman, tanging panahon lamang ang makapagsasabi kung magiging totoo si Martires sa kanyang pangako.

Pero dapat anyang tiyakin nito na hindi na mauulit ang kanyang mga kontrobersyal na desisyon noong mahistrado pa ito ng Sandiganbayan at ng Korte Suprema kung saan pinaniniwalaang pinaboran niya ang mga nasa kapangyarihan.

Sabi ng kongresista, babantayan ng taumbayan ang mga kilos ng bagong Ombudsman para maprotektahan ang independence ng tanggapan nito at mapigilan ang panghihimasok sa kanyang opisina.

Binalaan ni Lagman si Martires na ang “pressures” ang magpapabagsak sa independence nito.

“Martires’ independent posture will be tested by favors and pressures coming no less from the groups allied with the appointing power,” ani Lagman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?