93

Jan 4, 2018 @ 9:52

Ombudsman muling sinibak si ex-Iloilo mayor Mabilog

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa puwesto ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog matapos siyang mapatunayang ‘guilty of grave misconduct, serious dishonesty, and conduct prejudicial to the best interest of the service’.

Inilabas ang dismissal order dahil sa pagkasangkot ni Mabilog sa maanomalyang towing services deal sa isang kumpanya na kanyang pag-aari noong 2015.

Bukod sa dismissal, ipinag-utos din ni Ombudsman Conchita Morales ang disqualification nito sa public office, pagtanggal ng retirement benefits gayundin ang kansselasyon ng civil service eligibility nito.

Noong Oktubre 2017, sinibak din si Mabilog matapos siyang kasuhan ng serious dishonesty dahil sa pagkabigo nitong magdeklara ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) na nagkakahalaga ng P8.9 milyon na kanyang nakuha noong 2012– 2013.

Si Mabilog ay isa sa mga alkaldeng pinaratangan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot diumano sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?