28

Sep 9, 2021 @ 17:38
By

Ombudsman: Korapsyon matutuldukan kapag nagbago ugali ng Pinoy

Matutuldukan lamang umano ang korapsyon sa bansa kapag nagbago ng ugali ang mga Pilipino.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, laganap ang korapsyon sa bansa kaya mahirap itong sugpuin.

“It will take us a lifetime to fight corruption unless and until we change our values,” sabi ni Martires sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations ngayong Huwebes.

“Unless and until we disregard the sources of corruption, which is greed, envy, lust, avarice, these are all the seven cardinal sins. So unless we change our values, no matter who the Ombudsman is, no matter how big the organization of the Ombudsman is, we cannot fight, we cannot prevent graft and corruption because it is already endemic in our society,” dagdag pa ni Martires.

Sinabi ni Martires na lahat ay gustong yumaman at mula sa konsepto ng bahay-kubo nais na ng mga Pilipino ng malalaking bahay na gawa sa bato.

“Nawala sa atin ang bahay-kubo ang iniisip natin ngayon mga mansyon, from the concept of a stainless owner type jeep we dream now of owning a Montero,” sabi pa ni Martires.

Iginiit ni Martires na hindi lamang nangyayari ang korapsyon sa gobyerno kundi maging sa pribadong sektor.

Ang pagtuturo umano ng good moral and right conduct ay dapat ituro ng mga tao na mayroong moral ascendancy.

“Any attempt to teach good manners and right conduct that does not come from someone who has moral ascendancy will just be useless […] Good manners and right conduct must be taught by responsible persons,” wika pa ng Ombudsman.

Iginiit ni Martires na, “Basically ang mga Pinoy ay mababait, ang Pinoy hindi magnanakaw, ang Pinoy nagnanakaw lang po kung nagugutom lang po o ang kanyang pamilya ay nasa bingit ng kamatayan doon lang gumagalaw ang Pinoy noong araw. Pero nagbago na ho ang Pinoy, sa pagbabago na ‘yon in-embrace natin ang lahat ‘yong mali.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?