77

Aug 2, 2021 @ 15:48
By

Olympics: Kristina Knott kinapos dahil sa init

Bigong makapasok sa semifinals ng women’s 200-meter run sa Tokyo Olympics si Pinay athlete Kristina Marie Knott nitong Lunes.

Nagtapos si Knott ng pang-lima sa kanyang Heat sa oras na 23.80 segundo.

Sa lahat, pang-37 sa 41 atleta ang 25-anyos na si Knott.

Ang masama pa nito, dinala agad si Knott sa medical station matapos mahilo at magsuka pagdating sa finish line dahil sa heat stress.

“Nag-stay muna after the race sa medical station sa stadium for about an hour. Rehydrated. She felt ill even before the gun start. After crossing the finish line she was vomiting and dazed,” pahayag ni Edward Kho, director ng Philippine Athletics Track and Field Association Marketing ang Communications.

Dagdag pa ni Kho, maayos na ang kalagayan ni Knott ang nagpapahinga na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?