23

Jul 17, 2021 @ 14:45
By

Olympic Village napasok ng COVID

Naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa Tokyo Olympics athletes’ village, anim na araw bago ang pagbubukas ng palaro sa Japan.

Ayon sa Inside The Games report, nagpositibo ang isang opisyal na konektado sa Olympic Games.

Inalis na sa Olympic Village ang opisyal at kasalukuyang nagka-quarantine sa hotel.

Nagpositibo siya sa isinagawang screening process sa village na matatagpuan sa Harumi.

Ani Tokyo 2020 President Seiko Hashimoto, ginagawa na nila ang lahat para siguruhin na walang magaganap na COVID-19 outbreak sa lugar.

Sa Olympic Village titira ang libo-libong atleta at opisyal kapag nagsimula na ang Tokyo Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?