72

Jul 27, 2021 @ 11:31
By

Olympic record! 127 kg first time nabuhat ni Hidilyn

Hindi inasahan ni Hidilyn Diaz na makakaya niyang buhatin ang 127 kilogram na naging susi para makamit niya ang kauna-unahang Olympic gold medal ng PIlipinas.

Sa virtual press conference ni Diaz, sinabi nito na ang 127 kilogram — na ngayon ay Olympic record na para sa women’s 55 kg — ay hindi niya nagagawa sa kanyang ensayo.

“Na-try ko na siya sa training, pero hindi ko nagagawa. Everytime na na-try ko ‘yun, hindi ko nagagawa, nafu-frustrate ako, umiiyak ako,” wika ni Diaz.

Kaya naman todo pasalamat si Diaz sa Panginoon para makayanan niya ang pinakamabigat na hamon sa kanyang weightlifting career.

“‘Di ko inexpect na mabuhat ko ‘yun kahapon, siguro si God ‘yun and all the people who prayed, sobrang thankful ako sa lahat ng nagdasal,” sambit niya.

Bukod sa 127 kg sa clean & jerk, gumiba pa ng record si Hidilyn sa total score na 224 kg, ang pinakamataas sa Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?