43

Sep 18, 2021 @ 15:19

Olympic medalists bida sa PhilPost stamp

Bilang patuloy na pag-alala sa karangalang ibinigay nila sa bansa, ang mga Tokyo Olympics medalists ay ginawan ng stamp ng Philippine Postal Corporation.

Ngayong Sabado ipinasilip ng PhilPost ang mga stamp kung saan bida sina gold medalist Hidilyn Diaz, silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam, at maging si bronze medalist Eumir Marcial.

Bukod sa kanilang mga larawan, nakaimprenta rin sa mga stamp ang mensaheng: Keep the Faith! Be a Hero – Save your Family, Save the Economy, Save the Country, Save Lives, Get your Dose, Fight Coronavirus.”

Ang apat na atleta ay gumawa ng kasaysayan sa nakaraang Olympics kung saan naiuwi ng bansa ang una nitong ginto at ang pinakamaraming medalyang naiuwi sa isang edisyon ng naturang palaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?