143

Sep 10, 2021 @ 15:28
By

Olympic gold medalist mambubugbog sa WWE

Makikipagbangasan sa WWE ang heavyweight freestyle wrestler na sumungkit ng gintong medalya sa Tokyo Olympics kamakailan.

Pumirma ng multiyear deal sa WWE si Olympic wrestling gold medalist Gable Steveson, ayon sa ESPN report.

Dahil dito, makakapasok ang 21-year-old na si Steveson sa University of Minnesota para sa senior year at madedepensahan ang kanyang Division I national championship sa heavyweight.

Magtatayo umano ang WWE ng training facility para kay Steveson malapit sa campus na may kasamang mga WWE coach.

Mula nang magwagi ng gold medal sa Tokyo Olympics, pinag-aagawan na si Steveson.

Maliban sa WWE, inalok din ang 6-foot-1 wrestler ng UFC at inaasahan ding lalaro sa NFL.

Sa kanyang Twitter, nagpahayag ng kasiyahan si Steveson sa aniya’y natupad na childhood dream.

“Childhood dream accomplished.. I have officially signed with the @WWE!!! Thank you for the opportunity!! LETS WORK,” sabi niya. “Moral of the story: NEVER GIVE UP!!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?