65

Olympian Ian Lariba namayapa na sa edad na 23

Sharing is caring!

Pumanaw na ang Olympian na si Yanyan Lariba sa edad na 23, matapos ang mahigit isang taong laban sa cancer.

Kinumpirma ito mismo ng Philippine Sports Commission sa kanilang Twitter ang balita.

Siya ay na-diagnose na may Acute Myeloid Leukemia noong Mayo 2017 kaya naging dahilan ito upang hindi siya makapaglaro sa 2017 Kuala Lumpur SEA Games.

Si Lariba ang unang Filipinong manlalaro ng table tennis matapos niyang maglaro at magsilbing flag bearer sa 2016 Rio Olympics.

Sa kanyang limang taon sa UAAP, hindi siya natalo kahit isang laro at naiuwi niya ang MVP noong seasons 75, 77 at 78 at ang Athlete of the Year plum sa Season 77 at 78.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?