By

Olympian Hidilyn Diaz, inspirasyon ng mga Aeta

Sharing is caring!

Pinasaya ni 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ang isang komunidad ng mga Aeta matapos turuan kung paano magsimula sa sports na weightlifting sa pagsama nito sa isang outreach program sa College of St. Benilde sa Porac, Pampanga.

Lubos ang katuwaan ni Diaz, nag-aaral ng Business Management sa Saint Benilde, matapos makadaupang-palad ang mga aeta na kabilang sa minoridad sa bansa, kung saan kahit gamit ang putol-putol na kahoy ay ipinakita ang mga pamamaraan para makabuhat.

“Sumama lang po ako sa outreach na ginawa ng president ng Benilde sa Alviera, Porac, Pampanga,” sambit ni Diaz.

Ikinatuwa din nito ang pakikisalamuha sa mga batang aeta na mabilis na sumunod sa kanyang mga itinuro.

“It’s my honor to share weightlifting to the Aeta community. I hope, I have more time to share weightlifting in some of the LGU and the IP here in Philippines,” aniya. “Thank you De La Salle-College of Saint Benilde sa pag-invite sa akin sa outreach program.”

“Kinalulungkot ko lang kung paano ako mag-iwan ng marka sa buhay nila in the long run and paano ko i-sustain ang weightlifting sa puso nila,” sabi pa ni Diaz. “Pero push lang! Darating din tayo diyan!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?