307

Mar 28, 2020 @ 15:54
By

Olongapo, nakapagtala ng unang COVID-19 positive

Kinumpirma ng City Health Office sa pangunguna ni Dr. Doods Bustamante na mayroon nang unang kumpirmadong COVID-19 positive ngayong Sabado, Marso 28 sa Olongapo City.

Ayon kay Bustamante, hindi ito kabilang sa mga nasa Ilalim ng PUIs at PUMs patients na nakatala ngayon at nakatalaga sa James Gordon Memorial Hospital sa lungsod kundi ito ay admitted sa Baypoint Hospital sa loob ng Subic Bay Freeport Zone.

Dagdag pa ni Bustamante, ang pasyente ay isang lalaki na nasa 75 taong gulang.

Naka-confine siya noon pang Marso 16 at nanggaling sa Metro Manila.

Nagkaroon siya ng mga sintomas ng COVID-19 tulad ng sore throat at pneumonia.

Sinabi pa ni Bustamante na nasa magandang kalagayan na ito at mild na lang ang kanyang ubo at maganda na ang kondisyon habang nagsasagawa ang mga ito ng contact tracing.

Samantala, muling nagpaalala ang City Health Officer na manatili na lang sa tahanan ang bawat mamamayan at sumunod sa mga alituntunin na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force COVID sa pangunguna ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr. at ng City Health Department.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?