36

Jun 24, 2020 @ 15:34
By

Olongapo mayor pasaway sa COVID protocol

Nireklamo ng Department of the Interior and Local Government sa Ombudsman si Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr. dahil sa mga kautusan nitong lumalabag sa mga coronavirus protocol ng pambansang gobyerno.

Sabi ng DILG, humaharap ngayon ang alkalde sa mga reklamong gross neglect of duty, grave misconduct, paglabag ng Bayanihan Act at public health concern law, at open disobedience sa ilalim ng Revised Penal Code.

Ayon kay Interior Spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya, nag-organisa ang alkalde ng mass gathering noong Abril, nang ipamahagi ang cards para sa cash aid ng mga pinakabulnerableng pamilya roon.

“In that instance, we already admonished him and warned him to fully comply with IATF regulations, otherwise we may be compelled to charge him,” ayon kay Malaya, sa isang pahayag.

Nagsagawa naman si Paulino noong Mayo ng special pass system na pinapayagan ang backride sa motorcycle, kahit pinagbawal ito ng inter-agency task force.

Wika ni Malaya, nang punahin ng DILG ay sinuspinde lang ng alkalde ang naturang pass imbes na ipawalang-bisa ang mga ito.

“We are dismayed because as the local chief executive of Olongapo, he should be the first to follow the guidelines issued by the national government… And yet he issued his own policies inconsistent with national policies,” sambit ng DILG official.

“The matter is now in the hands of the Office of the Ombudsman. Doon na po magpapaliwanag ang alkalde ng Olongapo,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?