56

Jun 24, 2020 @ 21:05

Olongapo mayor lumabag sa COVID protocol

Nireklamo sa Ombudsman ng Department of the Interior and Local Government si Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr. para sa mga kautusan nitong lumalabag sa mga coronavirus protocol ng pambansang gobyerno.

Sabi ng DILG, humaharap ngayon ang alkalde sa mga reklamong gross neglect of duty, grave misconduct, paglabag ng Bayanihan Act at public health concern law, at open disobedience sa ilalim ng Revised Penal Code.

Ayon kay Interior Spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya, nag-organisa ang alkalde ng mass gathering noong Abril, nang ipamahagi ang cards para sa cash aid ng mga pinakabulnerableng pamilya roon. “In that instance, we already admonished him and warned him to fully comply with IATF regulations, otherwise we may be compelled to charge him,” ayon kay Malaya sa isang pahayag. (SDC)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?