32

By

Olivia Newton-John tuloy ang laban sa kanser

Patuloy ang pakikipaglaban ng Australian star na si Olivia Newton-John sa sakit na breast cancer.

Noong 2017, binalita ng singer-actress na muli siyang na-diagnose with stage 4 breast cancer na nag-metastasize sa kanyang likod.

Kumalat ang balita sa Australia na nasa deathbed na raw si Olivia at nagbibilin na sa kanyang maiiwan na pamilya.

Pero nagsalita sa isang live video si Olivia at sinabi nito na maayos ang lagay niya at over exaggerated daw ang balitang naghihingalo na siya.

“I just want to say the rumors of my death have been greatly exaggerated. I’m doing great, and I want to wish all of you the happiest, healthiest 2019 that’s possible. Thank you all for the wonderful love and support for me and for my Olivia Newton-John Cancer Wellness Centre in Melbourne, Australia,” sey pa ni Olivia.

Nasa Santa Barbara ngayon si Olivia kunsaan tumatanggap siya ng holistic wellness treatment of herbs and cannabis.

Ito ang ikatlong pakikipaglaban ni Olivia sa sakit na breast cancer. Una siyang na-diagnose noong 1992 at dumaan siya sa partial mastectomy, nine months of chemotherapy and a breast reconstruction.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?