54

Nov 8, 2019 @ 16:14
By

Olivarez, tinalagang Regional Peace and Order Council head

Simula ngayong Nobyembre, si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ang mangangasiwa sa Regional Peace and Order Council-National Capital Region (RPOC-NCR) matapos itong italaga ng Malakanyang.

Base sa appointment papers ni Olivarez, sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Brig. Gen. Debold Sinas, Joint Task Force-NCR Commander Brig. Gen Alex DC Luna at Department of Interior Local Government Regional Director Ma. Lourdes Agustin naman ang mga tinalagang vice chairpersons ng RPOC-NCR.

Nabatid na si Olivarez din ay kasalukuyang chairman ng Metro Manila Mayors Council.

Sa ginanap na briefing sa Parañaque City Hall, pinirmahan din si Olivarez ang isang memorandum of agreement na nagbibigay ng P10 milyon sa lokal na pamahalaan para sa suporta ng mga programa ng RPOC-NCR hanggang sa isang taon.

Gagamitin din ang pondo upang matulungan ang council para maisagawa ang mandato sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan pati na rin ang pagbibigay at paglikha ng mga lugar para sa pakikipagtagpo sa iba’t ibang mga stakeholder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?