26

Jul 1, 2020 @ 9:30

Olivarez pabor na GCQ pa Metro Manila

Sang-ayon si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na palawigin pa ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Ito’y matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte, Martes ng gabi, na mananatili pa rin sa GCQ ang Metro Manila.

Ayon kay Olivarez, puwede naman silang umapela sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) subalit sang-ayon sila sa desisyon nito na isailalim pa rin sa GCQ ang Metro Manila at maliliit na lugar lamang ang ila-lockdown.

Sinabi pa nito na ang problema sa Metro Manila ay ang kawalan ng mass testing subalit mabilis na aniya ngayon lumabas ang resulta ng mga isinasagawang COVID-19 test.

“Nag-plateau naman ang cases at specific barangay lang ang dumadami ang kaso,” ani Olivarez.

Ginawang halimbawa ni Olivarez ang ipinatupad na lockdown sa dalawang barangay sa kanilang lungsod, partikular sa Baclaran at San Dionisio dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?