45

Dec 8, 2017 @ 16:11
By

Olevao-Milton tandem, binalikat ang Cocolife sa PSL

Isa pang tikas kina Tai Manu-Olevao at Taylor Milton at upset win uli, sasampa ang Cocolife sa championship round ng Chooks to Go-5th Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix 2017.

Nakasilo ng malaking isda ang Asset Managers sa quarterfinals matapos silang bitbitin ng dalawang nabanggit na imports sa Final Four game.

Kumayod si Manu-Olevao ng 19 kills at dalawang blocks para sa 21 points habang may inambag na 14 markers si Milton upang akbayan ang No. 5 Cocolife sa 25-23, 25-23, 25-20 panalo kontra No. 4 seed Cignal sa knockout quarters noong Huwebes sa FilOil Flying V Center, San Juan City.

“This is a very big achievement,” saad ni Cocolife head coach Kungfu Reyes. “But we will not settle for a fourth-place finish. We will fight hard to over-achieve and make it all the way to the finals.”

Muling mapapalaban ang Asset Managers dahil katapat nila sa one-game semifinals ang top seed F2 Logistics bukas ng alas-kuwatro ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Naunang sumampa sa Final Four ang Cargo Movers matapos walisin sa tatlong sets ang Iriga City sa quarters sa event na suportado ng Mikasa, Grand Sport, Senoh, Mueller, Island Rose, Cloudfone at ng UCPB Gen.

Maghaharap naman sa isang pares ng semis ang defending champion Foton at kapwa heavyweight Petron sa pangalawang sultada sa 6:00 p.m.

Bago umentra sa Final Four ang Tornadoes at Blaze Spikers, kinalos muna nila ang Sta. Lucia at Generika-Ayala ayon sa pagkakasunod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?