61
victoladipo
By

Oladipo kontrabida kay James, Cavaliers

Sharing is caring!

Winalis ng Cleveland ang Indiana sa first round ng Eastern Conference playoffs noong isang taon, may rematch muli sila ngayon.

Pagkatapos ng regular season finale noong Miyerkoles, nabuo rin ang seedings at natoka muli sa No. 4 Cavaliers ang No. 5 Pacers sa opening round.

Pero may warning si coach Tyronn Lue sa kanyang Cavs na ibang Pacers ang haharapin nila ngayon lalo’t natapos ang regular season matchup nila sa 3-1 pabor sa Indiana.

“They’re a team that beat us 3-1 and we know they play fast,” lahad ni Lue. “(Victor) Oladipo has had an amazing year and I think the biggest thing si (coach) Nate McMillan, I think he definitely should be considered for coach of the year.”

Mula sa lineup noong nakaraang taon, pinakawalan ng Pacers si Paul George pero kinuha sina Oladipo at Domantas Sabonis.

“They’re fifth in the East and they’ve been playing well all season and you gotta really commend Nate for what he’s done with that team,” dagdag ni Lue.
Magiging busy agad si LeBron James sa first round.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?