13

Jan 7, 2021 @ 16:55
By

Oladipo, Beal nabahala! Fultz tumiklop tuhod

Kung kailan maganda na ang pinapakita ni Markelle Fultz, saka naman ito tinamaan ng matinding injury.

Sa laban ng Orland Magic kontra Cleveland Cavaliers, sinubok ni Fultz ang depensa ni rookie Isaac Okoro nang mag-drive sa gitna ng court sa first quarter.

Ngunit paghakbang ng kanyang kaliwang paa, biglang bumigay ang kanyang tuhod at napahiga sa sahig.

Nang matingnan ng mga espesyalista, nakitang ACL injury ang tama ni Fultz, na posibleng magpagarahe sa kanya sa kabuuan ng season.


Ngayong season, nag-average si Fultz tangan ang 14.3 points, 6.1 assists, 3.6 rebounds at 1.0 steals.

Kaagad namang nagpaabot ng suporta ang ibang NBA star tulad nina Bradley Beal ng Washington Wizards at Victor Oladipo ng Indiana Pacers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?