27

By

Okumu nagmaktol sa mga referee

Hindi natuwa si Kenyan coach Godfrey Okumu ng Motolite sa mga tawag ng referee sa kanilang laban nitong Linggo kontra Choco Mucho sa Premier Volleyball League Open Conference.

“I just think and believe that the team will always fight. But as a coach, I have to complain things, the calls that had not been called,” pagmamaktol nito sa balitang unang lumabas sa SPIN.ph.

Kinapitan ni Okumu sina Isa Molde at Tots Carlos na gumawa ng malaking ambag para sa panalo ngunit tiwala rin siya na hindi na dapat pang umabot sa dikdikan laro ang kanilang laban.

“There are five balls that I can pinpoint. Two balls hit the floor, the setter was there but the ball hit the floor. Check ball [on Carlos’ attack]. Setter double dribbling. They don’t call one,” ani Okumu sa hindi pagtawag ng mga referee sa violation na ginawa ni Arianne Angustia.

“How bad can they be? Or how bad can they not see the things that even the crowd can see. Even the opponents when the ball goes, they start to walk away like, ‘oh, it’s on the ground.’”

Napatawan naman ng yellow card ang Motolite coach sa 3rd set matapos ng walang tigil na pagrereklamo.

“They keep on telling me to stay out, stay out. But when the guy goes in, no one talks to him. So, the question is at some point, the referees should start having that balance, I’m just sorry to say this,” sambit pa niya.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakakuha si Okumu ng yellow card matapos siyang bigyan rin noon mula kay Herbet Matimatiko noong laban nila kontra Pacifictown-Army nitong nakaraang buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?