39
Okumu nagbanta: We will bounce back!
By ,

Okumu nagbanta: We will bounce back!

Kumpiyansa si University of the Philippines Lady Maroons head coach Godfrey Okumu na kayang bumalik ng kanyang tropa matapos ang five-set loss nito kontra National U Lady Bulldogs.

Natikman ng Lady Maroons ang kanilang back-to-back losses matapos silang gulatin ng Lady Bulldogs nang pumoste ito ng 7-1 run sa fifth set at tuluyan ng nakawin ang panalo, 17-15.

“We will, we will, we will bounce back,” sabi ni Okumu sa mga reporters sa post-game interview.

Inamin ni Okumu na maraming pagkakamali sa kanilang hanay pagdating sa pagpasa ng bola at sinubukan nilang agarang maayos ito pero kailangan pang mas pagtuunan at pagtrabahuan ito.

“We are no longer a team in progress, we’re a team that is strong and a team that power of reckoned with. But, this do not go as our planned,” dagdag nito.

Sinabi rin nito na talagang dinamdam ng kanyang tropa ang pagkatalong ito kaya’t sila na mismo ang nagusap-usap tungkol dito at tanging magagawa nalang nila ay mas palakasin pa ang loob ng bawat isa.

Kinakailangan din nilang pag-aralan ang lahat para malaman nila kung saan sila nagkamali at nagkulang sa larong at agaran itong maitama para sa mga susunod na laro.

“It seems that we’re still struggling but like I said before, winning a championship is not easy sometimes you lose in order for you to win. We gonna bounce, we gonna fight back,” pagtatapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?