203

Dec 22, 2018 @ 20:10
By ,

Okumu: Lahat ng pressure sulit sa 2 korona ng UP Lady Maroons

May dalawang buwan pa bagong magsimula ang UAAP Season 81 women’s volleyball pero sa off-season nito ay agad nang umariba ang University of the Philippines Lady Maroons.

Dalawang kampeonato na agad ang nasikwat ng Lady Maroons sa off-season, una ang pagkuha nito ng titulo sa Premier Volleyball League Collegiate Conference at ang titulo sa inaugural staging ng Collegiate Grand Slam ng Philippine Superliga.

Sa dalawang kampeonatong ‘to, isang matinding pressure aniya ang nararamadaman ni UP coach Godfrey Okumu dahil kailangan nilang maipakita sa UAAP ang nagawa nila ngayon.

“It means a lot of pressure for the upcoming UAAP. I’ve tried all my players in this pre-season games, I played almost 25 players and it’s gonna be hard to choose from,” wika ni Okumu.

Naniniwala rin sa Okumu na isang champion team na talaga ang UP at kinakailangan lang aniya ng oras at sa pagpasok ng bagong season ng UAAP gusto rin nilang manalo dito kaya mas paghahandaan pa nila ito.

Sinegundahan naman ni Tots Carlos ang mga naunang pahayag ni coach Okumu tungkol sa pressure na nakaatang sa tropa sa pagsisimula ng UAAP season.

“Siyempre happy ako pero meron pang UAAP eh, kaya sabi nga ni coach more pressure ‘tong dalawang championship na ‘to. Kailangan pa namin magtrabaho talaga for the UAAP,” sabi ni Carlos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?