74

Oct 24, 2017 @ 12:35

Oktubre 30, hinirit na gawing holiday

Hiniling ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang special non-working holiday ang Oktubre 30, 2017.

Ito’y bilang National Day of Thanksgiving and Prayer for Peace para sa Marawi at buong Mindanao.

Ayon kay Salo, sa ganitong paraan ay mabibigyan ng pagkakataon ang bawat Filipino na kilalanin ang sakripisyo ng lahat ng sumabak sa bakbakan para mapalaya ang Marawi City mula sa mga terorista.

“It is a special day for Filipinos everywhere to internalize the heroism displayed by our soldiers and to consider how they can concretely manifest their heroism as well in helping to rebuild Marawi City and to attain lasting peace in Mindanao,” sabi ni Salo.

Kung magiging holiday aniya ang Oktubre 30, mae-enjoy din ng publiko ang long-weekend hanggang sa Nobyembre 1.
“That would give students, government workers, and private employees ample time to enjoy a long-weekend holiday from October 28 to November 1,” paliwanag pa ng kongresista.

Ang hirit na ito si Salo ay sa harap ng mahabang bakasyon na naghihintay sa mga taga-Metro Manila, Bulacan at Pampanga dahil naman sa ASEAN events. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?