92

Dec 28, 2017 @ 16:09

OKC Thunder nakapana ng ika-6 panalo vs Raptors

Nakapundar ng 30 puntos, tatlong assists at walong rebounds si Russell Westbrook at naipagpag ng Oklahoma City Thunder ang Toronto Raptors, 124-107, para panain ang ika-6 na panalo nitong Miyerkules (Huwebes, Manila time).

Tumulong ng 33 puntos si Paul George para sa Thunder na umakyat sa 12-3 ang kartada.

Nagawang manalo ng OKC sa kabila nang naiwan sila ng 12 puntos ng Raptors sa unang bahagi ng laro.

Pinakamainit na koponan sa Eastern Conference ang Raptors, ngunit dalawa beses nang natatalo kaya’t laglag sila sa 10-3 nitong Disyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?