248

Apr 3, 2020 @ 8:35
By

Okay naman ako sa May-December affair – Ping Medina kay VP Leni

“Ang cute ni madame dito. Pwede ba magka-crush sa VP natin?”

‘Yan ang reaksyon ng aktor na si Ping Medina nang tila mabighani sa ganda ni Vice President Leni Robredo.

Dahil ito sa GIF na tweet ni Robredo nang patamaan nito si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Manuelito Luna na gusto siyang ipatawag sa National Bureau of Investigation dahil sa pakikipagkompetensya umano ng Bise Presidente sa ibang government agency para matugunan ang COVID-19 pandemic.

Biro pa tuloy ni Ping, ready siya sa May-December affair. Ang agwat ng kanilang edad ay 18 taon.

“Okay naman po ako sa May-December affair. Charots!” sey ng aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?