71

Jan 14, 2022 @ 10:49
By

‘Okay lang!’ Albie walang paki kahit maraming basher

Wala na umanong pakialam si Albie Casiño kahit pa mas marami siyang basher kaysa tagahanga.

Ayon kasi sa aktor, patuloy ang pamba-bash sa kaniya ng netizen nang maging Pinoy Big Brother celebrity housemate siya.

Ani Albie, naiintindihan niya ang mga naging reaksyon ng mga basher.

Sa katunayan nga raw masaya siyang nagpakatotoo siya sa loob ng Bahay ni Kuya dahil kahit papaano ay mayroon umanong ilang manonood ang nakaintindi sa kaniya.

“I guess people can see kapag you’re just being yourself, e. Not just sa ‘PBB’ house, but I’d like to think na kahit saan ako pumunta, kahit sa Pilipinas o sa ibang bansa, no matter where I go, I’d like to think I’m just being myself,” saad ni Albie sa isang panayam.

“I don’t try to be someone else for other people. Iba naman ‘yung pakikisama. Iba ‘yun sa nagpapalit ka ng ugali, para magustuhan ka ng tao. And I think never ko ginawa ‘yun, never ko gagawin ‘yun. I’m going to be myself regardless,” dagdag pa ng aktor.

Paliwanag niya, napagdaan na umano niya na marami ang nagalit sa kaniya noong mga panahong nasangkot siya sa kontrebersiya matapos siyang itinurong ama ng pinagbubuntis ni Andi.

Kaya ngayon, tanggap na raw nito kung may galit ang mga netizen sa kaniya.

“Because nangyari ‘yun, now, I don’t care if people don’t like me. I’ve been there. Ang daming taong nagalit sa akin para sa bagay na hindi ko naman ginawa. I don’t mind if people are mad at me for me being myself. Okay lang. People have hated me for no reason at all, tanggap ko kung ayaw mo ako dahil sa sarili ko,” saad pa ng aktor.

Bukod sa pagpasok sa PBB house, nakilala rin si Albie sa kaniyang pag-arte sa Mara Clara (2011), On The Wings of Love (2015), Los Bastardos (2018), at Init Sa Magdamag (2021). (Sherrylou Nemis)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?