34

Dec 8, 2017 @ 15:57

Okafor, Stauskas shoot sa Nets kapalit ni Trevor Booker

Natupad ang kahilingan ni Jahlil Okafor na mai-trade sa Brooklyn Nets matapos pagbigyan ng Philadelphia 76ers ang kanyang request kapalit ni Nets forward Trevor Booker.

Naitsapuwera si Okafor matapos magningning ang laro ni center Joel Embiid sa Sixers.

Wala namang samaan ng loob na namamagitan sa dalawa kung saan may mensahe pa ng ‘good luck’ si Embiid kay Okafor sa pagsalang sa Nets.

Ayon sa ESPN, sinabi umano ni team president Bryan Colangelo na may deal na silang maisasara sana para sa trade ni Okafor kung saan tumanggi itong tukuyin kung anong team at sa last minute ay hindi ito natuloy.

Si Okafor ang nangunang scorer ng Sixers noong rookie pa lamang ito at wala si Embiid dahil sa injury.

Kasama rin sa trade si guard Nik Stauskas at ang 2019 second round draft pick ng Sixers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?