Abante-TnT-Menardo-GuevarraAbante-TnT-Menardo-Guevarra
By

Okada hindi pa lusot sa kasong estafa – Guevara

Sharing is caring!

Bagamat ibinasura ng piskalya sa Parañaque City ang reklamong estafa laban sa Japanese Gaming Tycoon na si Kazuo Okada, hindi pa rin siya ganap na lusot sa asunto.

Ito ang tinukoy ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra dahil maari pang iapela sa pamamagitan ng motion for reconsideration ang resolusyon ni Paranaque City Prosecutor Amerhassan Paudac.

Sinabi pa ni Guevarra na maari ring maging remedyo ng complainant na Tiger Resorts
Leisure and Entertainment Incorporated ang paghahain ng petition for review sa DOJ.

Ang Tiger Resorts ang may-ari ng Okada Manila Hotel Resort sa Paranaque.

Dagdag pa ni Guevarra, kung makikitaan ng merito ang apela, maari pang baligtarin ng DOJ ang pagbasura sa reklamo.

“If upon review the DOJ sees it differently, the resolutions may be set aside, reversed or modified accordingly,” saad ni Guevarra.

Matatandaan na umani ng kontrobersiya ang nasabing resolusyon na pirmado ni Paudac dahil bago pa man ito opisyal na lumabas ay nagleak na ang kopya nito sa indibidwal na hindi naman partido sa kaso.

Iniutos na ni Guevarra sa National Bureau of Investigation ang pagsisiyasat sa nagleak na resolusyon na naging dahilan para akuin na rin ng DOJ ang imbestigasyon sa reklamong estafa laban kay Okada.

Nag-ugat ang reklamo dahil sa paratang na hindi otorisado umanong paglustay ni Okada sa mahigit sampung milyong dolyar na pondong pag-aari ng Tiger Resorts sa pagitan ng 2016 at June 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?