15

Oct 8, 2017 @ 14:05

Oil price rollback lalarga sa Lunes

Magkakaoon ng price rollback sa mga produktong-petrolyo na inaasahan ipapatupad bukas.

Ito ay matapos ang magkasunod na ‘price hike’ nitong hulinng dalawang lingo ng Setyembre.

Nabatid na ang kada litro ng gasolina at krudo ay maaring mabawasan ng 50 sentimos hanggang 60 sentimos.

Samantala ang kerosene naman ay maaring bumaba ng hanggang 85 sentimos kada litro.

Ang pagbawas sa halaga ng mga produktong petrolyo ay dahil sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?