90

Jan 1, 2018 @ 17:29
By

Oil price hike ngayong Enero, iligal – DOF

Posibleng makasuhan ang mga kumpaniya ng langis na magtataas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo base sa Republic Act (RA) No. 10963 or the Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN).

Ito ang paglilinaw ng Department of Finance na sinabayan ng babala sa mga kumpaniya na magsasamantala sa bagong tax reform package.

Paliwanag ng kagawaran, ilang araw pa ang lilipas ngayon bagong taon bago mauubos ang stocks ng mga produktong-petrolyo.

Nabatid na ang excise tax ng stocks ng mga produktong petrolto ay nabayaran na sa port of importation o sa refinery.

Sinabi pa ng DOF ang anumang ipatutupad na oil price hike ay maikukunsiderang ‘profiteering.’ (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?