42

Dec 17, 2017 @ 14:03
By

Oil price hike nakaumang bago mag-Pasko

Taas-presyo sa kanilang mga produktong-petrolyo ang Pamaskong handog ng mga kompaniya ng langis sa mga motorist at driver ng public utility vehicles (PUVs).

Inaasahan bukas o anim na araw bago ang Pasko, ipapatupad ang dagdag presyo sa krudo o diesel, gasolina at kerosene.

Nabatid na mula P0.40 hanggang P0.50 ang madadagdag sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.

Samantalang, P0.30 hanggang P0.40 ang maaring ipatong sa bawat litro naman ng gasolina.

Ang huling paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo ay may dalawang linggo na ang nakakalipas nang bumaba ng hanggang P0.30 ang halaga ng bawat presyo ng krudo.

Kadalasan tumataas ang halaga ng langis sa pandaigdigang-pamilihan dahil sa matinding pangangailangan nito sa mga malalamig na bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?