44

Dec 21, 2019 @ 20:35
By

Oil price hike nagbabadya sa bisperas ng Pasko

May nakaambang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis, nasa P1.10 hanggang P1.20 kada litro ang taas sa presyo ng diesel at P1.00 hanggang P1.10 naman kada litro ang taas sa kerosene.

Posibleng wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina o may bawas na P0.10 kada litro.

Ang nakaambang dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Tuwing araw ng Martes na ipinapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?