58
oil-price-hike
Aug 19, 2019 @ 18:06
By

Oil price hike ipatutupad sa Martes

Matapos ang big-time rollback noong nakaraang linggo, magkakasa naman ng oil price hike sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Agosto 20.

Pinangunahan ang pag-anunsiyo ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), kung saan magpapataw sila ng dagdag-presyo na P0.35 kada litro ng gasolina, P0.60 sa kada litro ng diesel at P0.45 sa kada litro ng kerosene o gaas na epektibo ng alas-12:01 ng hatinggabi (Agosto 20).

Sumunod naman ang mga kumpanyang PTT Philippines, Pilipinas Shell, Seaoil at Petro Gazz sa oil price hike sa kahalintulad na halaga na magiging epektibo naman ng alas-sais ng umaga sa kaparehong araw.

Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang ilan pang malalaki at maliliit na kumpanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na dagdag presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?