17
oil-price-hike

Oil price hike, epektibo sa Enero 15

Sharing is caring!

Nagkasundo ang Department of Energy (DOE) at mga kumpanya na langis na sa Enero 15 na ipatutupad ang dagdag presyo sa produktong petrolyo.

Magkakaroon ng P3.00 dagdag presyo sa gasolina at diesel habang P3.00 naman sa presyo ng kerosene.
Ang 11-kilo ng tanke ng LPG ay madadagdagan ng P12.00.

Ang pagbago ng petsa ay makakatitiyak na lahat ng gasoline stations ay naibenta na ang kanilang mga lumang stocks at magbebenta lamang ng kanilang mga bagong mga suplay kapag ipinagtupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo.

Sabi ng DOE, ang excise tak ay ipapataw lang sa mga bagong imports ng petrolyo at hindi sa mga lumang stocks.
Nagsumite na ang mga kumpanya ng langis ng kanilang listahan ng mga inmbentaryo sa DOE para matiyak naibenta na ang kanilang lumang stocks.

Nagbuo na din ang DOE ng task force na tututok sa presyo ng petrolyo at magsasagawa ng regular na inspeksyon sa mga refineries at gasoline stations.

Papapatawan naman ng multa ang mga kumpanya ng langis na lalabag sa naturang kasunduan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?