28

Dec 26, 2017 @ 18:46
By

Oil price freeze ipinaalala ng DOE

Binalaan ng Department of Energy (DOE) ang mga magsasamantala na itaas ang halaga ng mga produktong petrolyo sa mga lugar na labis na nasalanta ng magkasunod na bagyong Urduja at Vinta.

Paalala ng DOE, oras na ideklara ang state of calamity, magpapatupad sila ng price freeze sa halaga ng kerosene at panlutong liquefied petroleum gas o LPG.

Ang price freeze ay tatagal ng 15 araw at magsisimula isang araw matapos ang deklarasyon ng state of calamity.

Nakapaloob ito sa Republic Act (RA) 10623, na nagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing produktong petrolyo sa mga lugar na apektado ng mga kalamidad.

Nakikipag-ugnayan na ang kanilang Oil Industry Management Bureau at mga field office sa player sa oil industry para sa pagpapatupad ng price freeze.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?