37

By

Oil depot sa Bacolod tumagas, 8,000 residente pinalikas

Sharing is caring!

Ikinabahala ng mga opisyal ng Petron depot ang nakitang leak kaya agad na inilikas ang may 8,000 residente na nakatira malapit sa depot ng Barangay Banago, Bacolod, Biyernes ng gabi.

Batay sa report, pasado alas-11:00 Biyernes ng gabi, Setyembre 7, nang makitaan ng leak ang Petron depot kaya kaagad na iniutos sa mga residente sa pitong purok na lumikas para sa kanilang kaligtasan sakaling magkaroon ng pagsabog.

Pansamantalang nanatili sa Purok Baybayon at sa pier ng Barangay Banago ang mga inilikas habang iniimbestigahan ang leak ng mga nagrespondeng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Idineklarang under control na ang lugar bandang alas-12:10 Sabado ng madaling-araw at inatasan na ang mga residente na bumalik sa kanilang mga bahay dahil nasiguro nang maayos na ang leak habang patuloy pa rin silang nagsasagawa ng imbestigasyon ng upang matukoy ang sanhi nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?