71

Jan 2, 2018 @ 15:06
By

Oil companies makakasuhan ng economic sabotage

Nagbabala ang ilang kongresista na mahaharap sa economic sabotage ang mga kumpanya ng langis na mapatutunayang guilty sa profiteering.

Ito’y kung magtataas sila ng presyo ng produktong petrolyo nang mas maaga bilang resulta ng implementasyon ng tax reform package.

Kaugnay nito’y nanawagan si Deputy Speaker Miro Quimbo sa Department of Energy (DoE) para magsagawa ng spot audits sa lumang stocks ng langis.

“I call on the ERC (Energy Regulatory Commission) to make sure that this kind of front-loading is not abused. While the selling of gasoline bought earlier at a cheaper price is not per se illegal, if it is proven that such was done with malice and with pure profiteering intent, the company can be held liable for economic sabotage,” ayon kay Quimbo.

Pinakikilos naman ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang task force na binubuo ng DoE, Department of Justice (DoJ) at Philippine National Police (PNP) para mahigpit na bantayan ang mga kumpanya ng langis sa posibleng paglabag sa batas.

“The task force can conduct on the spot audits of oil companies to prevent them from charging excise tax to old stocks,” sabi ni Evardone.

Sinegundahan ito ni Deputy Speaker Raneo Abu na nagsabing hindi dapat samantalahin ng oil companies ang TRAIN Law para kumita.

“The DoF with its revenue arm, the BIR (Bureau of Internal Revenue) shall monitor the market and shall ask the oil firms to submit all the records of their importations/production which were already subjected to excise tax. The BiR shall closely monitor their excise tax payments,” ani Abu. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?