By

Oil companies dapat managot sa climate change – advocates

Sharing is caring!

Hiniling ng ilang environmental advocates sa Commission on Human Rights (CHR) na pagbayarin ang mga kumpanya ng langis dahil sa hindi pagkilos para mabawasan ang epekto ng climate change.

Sinabi ni environmental lawyer Caroll Muffott, walang ginawa ang mga malalaking kumpanya ng langis para maibsan ang epekto ng climate change sa mga Filipino.

Giit ni Muffott, ang pagsasawalang-kibo ng mga kumpanya ay sinasadya dahil alam naman nila na magiging pahirap sa mamamayan ang climate change.

Sinabi pa nito na sa kabila ng makabagong teknolohiya ay hindi pa rin kumikilos ang mga kumpanya ng langis.

Malaking kontribusyon umano sa climate change ang usok mula sa pagsunog ng langis ng mga sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?