86

Aug 5, 2022 @ 18:02
By

Ogie sa ‘Miss Q&A’ contestant nagbirong ‘monggoloid’, ‘ngongo’: Akala niya nakakatuwa

Tinalakay ni Ogie Diaz ang pagbibiro ng Miss Q&A contestant na si Dimples kung saan ginawa nitong katatawanan ang pagiging “monggoloidd” at “ngongo.”

Kamakailan kasi ay pinagsabihan ni Vice Ganda si Dimples dahil nagbiro ito tungkol sa mga taong may kapansanan.

Humingi naman ito ng tawad ngunit marami pa ring netizen ang nanggalaiti.

Sa Showbiz Update, sinabi ni Ogie na hindi naman umano nakakatuwa ang ginawa ni Dimples.

“Medyo nagkaroon ng ano, nakakabinging katahimikan. Oo, kaya cinall out siya ni Vice Ganda. Actually, kalagitnaan pa lang, cinall out na ni Vice Ganda, ‘Uy, di yan ang ni-rehearse mo.

“Ang totoo, hindi yun ang ni-rehearse kaya nilinaw ni Vice na, ‘Hindi yan ang ni-rehearse mo, bakit mo dinagdagan?’ Yun nga, dinagdagan nga nung bading, akala niya nakakatuwa yun,” pahayag ni Ogie.

Ani pa Ogie, kahit umano humingi ito ng tawad ay hindi pa rin maikakaila na sinadya niyang gawing katatawanan ang pagkakaroon ng kapansanan.

“Nag-apologize naman siya, in fairness, kaya lang nabuwisit ako dun sa hindi niya sinasadya. Sinadya mo kaya. Sinabi niya kasi, ‘Sorry po, hindi ko po sinasadya.’ Huh? Sinadya mo eh, iba yung ni-rehearse mo dun sa statement mo ng pagpapakilala so sinadya mo. Sana sinabi mo, ‘Sorry po, hindi ko po alam na masama pala yun, na nakaka-offend pala yun. Akala ko okay lang po, sorry po.’ Ganun lang, pero hindi sinadya? Sinadya mo teh, tayo pa ba magbabaklaan?” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?