2,068

Oct 26, 2021 @ 17:43
By

Ogie sa mga Pinoy: Ipahinga galit sa mga ‘dilawan’

Nanawagan ang komedyanteng si Ogie Diaz sa publiko na huwag tumingin sa kulay kapag bumoto kundi sa karakter, reputasyon, walang bahid ng korapsyon at kung ano ang magagawa para sa bayan ng isang kandidato.

Sa mahaba niyang Facebook post, sinabi niyang normal sa politika ang mag-iba iba ng kulay.

“Ipahinga na yung galit nyo sa mga Dilawan. Normal naman sa pulitika ang paiba-iba ang kulay. Maging si Pangulong Duterte at Mayor Sara Duterte ay sinuportahan din naman noon si PNoy.

“Hindi ako Dilawan. Hindi ako tumitingin sa Kulay. Sa tao ako tumitingin. Sa karakter. Sa reputasyon. Sa kung ano ang magagawa para sa bayan. Sa linis ng kasaysayan ng pangalan,” aniya.

“Wag nyo na lang kakalimutan na ang dapat nating iboto sa susunod na eleksyon ay yung may integridad, walang bahid ng corruption, hindi nagpayaman sa pwesto, tapat maglingkod at hindi kayo lolokohin,” dagdag niya.

“Basta lagi mo lang isasaalang-alang na mahalaga ang isang boto mo at para ito sa kapakanan ng bayan mo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?