1,583

Jan 9, 2022 @ 15:47
By

Ogie inawat si Xian Gaza sa pagiging Marites

Hindi umano nagkulang si Ogie Diaz sa paalala para sa kanyang kaibigan na si Xian Gaza na tigilan na ang pagiging Martes nito.

Si Xian ay tumatayong ninong ng bunsong anak ni Ogie, na isang katunayan ng pagiging malapit nila.

At sa YouTube vlog ni Ogie, nilinaw nito na hindi niya kinukunsinti si Xian sa mga chika na pinapakalat nito.

“Sinabihan ko po si Xian na, ‘Pare, tigilan mo muna ang pagiging Marites lalo na kung wala namang sapat na pruweba,’” wika ni Ogie. “Ako po ay hindi nagkulang ng paalala. Sinabi ko naman po kay Xian ‘yun.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘nasasayang ‘yung mga good deeds mo kung tatapatan mo ng mga ganitong mga pang-iintriga’… Ako ay isang tunay na kaibigan. Kung para sa ‘yo ay kulang pa ito, kung para sa ‘yo ay mali ako, edi gawin mo kung ano ang para sayo ay tama kaya nga lang may repercussions,” dagdag pa ng talent manager.

Kamakailan lamang ay muling umugong ang pangalan ni Xian dahil sa isyung pinakalat nito kung saan damay sina Barbie Imperial at Daniel Padilla, dahilan para i-bash siya ng mga fan ng KathNiel. (MJD)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?