97

By

Ogie grabe kung laitin ng die-hard Kapuso fan

Sharing is caring!

Grabe ‘yung basher ni Ogie Alcasid na nangahas mag-comment sa Instagram account nito dahil sa isyu ng paglipat daw ni Regine Velasquez ng network.

Gusto naming isipin na die-hard Kapuso fan ito na galit na galit sa balitang lilipat si Regine at susunod sa mister niya sa Kapamilya network.

Grabe ang epekto ng isyu sa basher na may IG account na @mibadoora na sobrang intense ang pag-comment kay Ogie. Sey nito, “Dahil walang career sa ABS at judge lang sa TNR kinaray ang asawa nya sa ABS para sa lahat ng project ni Regine kasama sya! Sobra-sobrang panggamit mo na kay Regine.

Sigurado sa mga ganitong klase ng netizen ang sarap sagutin ng artista, pero dito mo rin makikita kung anong klaseng tao ang mga ilan sa mga celebrity. Tulad ni Ogie na sa mga ipinaratang sa kanya nung basher, isang “God bless you” ang isinukli niya rito.

Ending, instead na si Ogie ang sumagot, ang ibang netizen ang sumagot sa basher at sinabihan itong ang pait daw siguro ng buhay o walang trabaho kaya walang magawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?