34

Jun 17, 2020 @ 8:15

Ogie ginawang alalay ni Regine

Sa first week of July ay may taping at live episodes na naman ang “ASAP Natin ‘To” after ng three days work nila mula noong Friday hanggang Sunday.

Si Ogie Alcasid ay Friday and Saturday lang nakapag-work at hindi nakapag-live noong Sunday dahil walang makakasama sa bahay ang mga anak na sina Leila at Nate.

Hindi raw sila puwedeng sabay mag-work sa labas ng bahay.

So wala sa taping noong Friday at Saturday si Regine at nag-live naman noong Sunday at pagkatapos ay nag-taping ng ilang numbers para naman sa future episodes ng “ASAP Natin ‘To” for Kapamilya Channel.

Pero bumalik na raw ang yaya ni Nate, kaya may magbabantay na sa bata at puwede na silang sabay mag-work na mag-asawa.

“Actually, noong Saturday, bumalik na ang yaya ni Nate, pati ang cook namin, pero nakaplano na kasi ‘yung Sunday episode ng ‘ASAP’ kaya hindi na puwedeng makasama pa ako sa live.

“Pero kapag nag-resume kami sa first week of July, puwedeng sabay na kami ni Reg na mag-work, so may production numbers na rin na magkasama kami,” sabi ni Ogie nang makatsikahan ko siya kahapon.

So sa Sunday, mapapanood pa rin naman silang mag-asawa sa “ASAP Natin ‘To”, pero magkahiwalay na araw sila nag-taping.

Anyway, noong isang araw ay nag-post si Ogie ng BTS (behind the scenes) kung saan ay nag-shoot si Regine ng laundry detergent commercial nito.

Sa bahay lang sila nag-shoot at si Ogie lang ang tumulong sa misis.

So, si Ogie ba ang naging direktor ni Regine sa commercial shoot na ‘yon?

“Naka-Zoom (app) ang director and ‘yung production. I was following them, ‘yung instructions nila. Bale parang DOP (director of photography) ako, PA (production assistant) and lighting director.

“Pati shows ni Reg sa Bantay Bata, ‘yung iba rin niyang corporate shows, ako nag-shoot and nag-asikaso ng technical requirements,” sabi ni Ogie.

Pati ang dubbing nang ma-edit na ang shinoot nilang commercial, si Ogie rin ang nag-assist.

“So, may TF (talent fees) ka naman?”

“Wala. Hahaha. For the love lang!” sabi niya, na siyempre pa, ganoon naman siya para sa kanyang wifey, tumutulong talaga!

Actually, matulunging tao si Ogie at siya ‘yung tipong tumutulong sa kahit na sino na walang ine-expect na kapalit!

Noong mag-lockdown nga, wala talaga silang kasama sa bahay kundi driver ay isang boy lang, pero naka-survive naman sila dahil sila talaga ni Regine ang gumagawa ng lahat at tumutulong din sa kanila ang mga anak na sina Leila at Nate.

So nice!

***

Joshua balik syuting na sa June 20

Naku, Dondon, kailan nga kaya magbubukas ang mga sinehan sa atin?

Kailan kaya maipapalabas ang mga pelikulang natapos na, lalo na ‘yung mga dapat ay kalahok sa first Summer Metro Manila Film Festival noong April?

Dito sa Amerika, may mga naririnig akong inaayos na raw ang nalalapit na pagbubukas ng mga sinehan, pero mukhang hindi pa naman talaga.

Pero alam mo ba, Dondon, sa Australia, may mga sinehang nagbukas na? Manager kasi sa isang sinehan doon ang friend kong si Jojo Carlos at back to work na raw sila. May mga nanonood na rin daw.

Anyway, may post nga pala akong nakita tungkol sa pelikulang “Isa Pang Bahaghari” ng Superstar na si Nora Aunor.

Kasama sa SMMFF ang pelikulang ‘yon na pinagbibidahan din nina Philip Salvador, Michael de Mesa, Zanjoe Marudo, Albie Casiño at iba pa.

May nakalagay na “soon” sa post na nakita ko, kaya akala ko tuloy ay pinaghahandaan na nila ang pagsu-showing no’n kapag nagbukas na ang mga sinehan sa Philippines.

Tinanong ko ang isa sa mga producer na si Harlene Bautista kung naghahanda na ba silang i-showing ang nasabing pelikula, pero sabi niya, “Hindi pa!”

So, hindi pa nga sure talaga kung kailan ba magbubukas ang mga sinehan sa atin, although may nag-shoot na uli at ang Regal Entertainment, Inc. ay magre-resume na rin sa June 20 ng Joshua Garcia-starrer na co-produced nila with Star Cinema, Inc. kung saan si Chito Roño ang kanilang direktor.

Ang Viva Films, ready na rin daw sa kanilang pagbabalik-shooting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?