685

May 8, 2021 @ 8:55
By

Ogie Diaz napasubo kay Roque

Nadamay sa debate sana nina Pangulong Rodrigo Duterte at retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang talent manager at comedian na si Ogie Diaz.

Kaugnay ito ng isang meme kung saan si Diaz ang magiging proxy ni Carpio sa debate matapos atrasan ng Pangulo at si Presidential Spokesperson Harry Roque ang isinubo niya rito.

Game na game naman si Diaz sa challenge.

Sa kanyang Facebook post, napahalakhak ang comedian sa idea ng debate nila ni Roque:

“Di ko to kinaya. Hahaha! Anong kinalaman ko dito? Pero sige, call.

“Kala ko kasi, G na G ang Pangulo, dahil siya naman ang naghamon, eh. Ready daw siya anytime, eh. Tapos, magre-resign daw siya pag napatunayang nagsisinungaling siya.

“Tapos, na-realize ng mga nakapaligid kay Pangulo, di magka-level sina Duterte at Carpio. Eh sino ba kasi nakaisip ng hamunan nayan?

“Ayan tuloy. Hindi nyo maiaalis sa akin ngayon namagtampo ako sa Pangulong Duterte.

“Kasi, kung kinol niya ang pagpayag ni Justice Carpio, sila sana ang nagdebate at hindi sana ako nadamay sa isyung ito,” sey ni Diaz.

“Tingnan nyo yan. I need to research pa. Paghahandaan ko pa tuloy ang debate namin ni Roque.

“Haaay. Andami ko nang problema, dumagdag pa ito. Isisingit ko pa tuloy itong debate sa hectic sked ko.

“Pwede ba, pagkatapos ng debate namin ni Roque, next time, wala nang hamunan?

“Napapasubo tuloy ako, eh. Di bale sana kung sa ibang sitwasyon ako mapasubo, eh.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?