269

Feb 13, 2021 @ 19:40
By

Ogie Diaz bumanat sa Rappler

May hirit ang manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz sa news website na Rappler dahil sa kawalan ng respeto sa namayapang “Ang Dating Daan” host na si Eliseo “Eli” Soriano.

Noong Pebrero 12 pumanaw si Soriano sa Santa Catarina, Brazil sa edad na 73 sa hindi tinukoy na sanhi.

Kasunod nito ay pinutakti ng batikos ang Rappler dahil sa walang respetong paglalarawan sa namayapang televangelist sa kanilang report.

“Brother Eliseo ‘Eli’ Soriano, 73, who fled the Philippines as he faced a string of cases, was best known for his TV program ‘Ang Dating Daan’,” tweet ng Rappler.

Nilagyan ito ng titulo na, “Controversial Christian preacher Eli Soriano dies”.

Ani Diaz, kaya naman ng Rappler na magbigay ng respeto sa namayapa pero ayaw lang nito.

“@rappler, konting respeto sa namayapa. Kaya nyo yan. Ayaw nyo lang,” reaksyon ni Diaz sa Rappler article.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?