171

Oct 19, 2020 @ 20:54
By

Ogie Diaz binira si Pialago: ‘Wag puro ganda lang

Sinermunan ni Ogie Diaz si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago kaugnay sa pahayag nito tungkol sa detenidong aktibistang si Reina Mae Nasino.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Pialago sa mga nakikisimpatiya kay Nasino, na masyado na raw ginagawa ng mga itong “drama serye” ang isyu ng huli.

“Happy Sunday everyone! Walang kinalaman sa traffic pero sa tingin ko kailangan kong gamitin ang boses ko bilang isang Pilipino sa usapin na ito. Hindi lahat ng inang nakakulong ay nakapunta sa libing ng kanyang anak. Kaya yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan. Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo,” sabi ni Pialago sa social media post.

Giit ni Diaz, hindi lang puro ganda ang dapat pairalin ng tagapagsalita ng MMDA kundi makidalamhati rin bilang isang babae.

“Ate, makidalamhati ka man lang bilang ikaw ay babae rin at magiging ina ka rin. Wag puro ganda lang. Maganda din sana kalooban mo sa kapwa mo babae,” tweet ni Diaz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?