50

Apr 8, 2021 @ 19:54
By

Ogie Diaz binakunahan na kontra COVID

Naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine ang comedian na si Ogie Diaz.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya ang naging karanasan dito.

“Nakapag-first dose na ako ng bakuna. Balik ko after 28 days. Sabi nila, kung ano ang available, yun ang i-grab, kaya hindi na ako choosy,” sey ni Ogie.

“Sabi nila, me mga reactions daw after mabakunahan, kaya yung proseso pagkatapos ng bakuna, yung nurse. pinag-rest ako for 15 minutes, dahil baka mahilo daw ako o sikmurain ako, o sumakit ang ulo ko o kung anuman ang maging epekto sa akin ng sinovac, at least andun pa ako,” dagdag niya.

Nagbiro pa siya sa nurse na “tinigasan” matapos bakunahan.

“Sabi ng nurse, “Kumusta po ang pakiramdam nyo, sir?”

“Ba’t po gano’n?”

“Ay, baket po?”

“Tinigasan ako?”

Nakapag-first dose na ako ng bakuna. Balik ko after 28 days. Sabi nila, kung ano ang available, yun ang i-grab, kaya…

Posted by Ogie Diaz on Tuesday, April 6, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?