219

Dec 25, 2018 @ 17:31

Ogie Alcasid nakasama ang dating asawa ngayong pasko

Masayang sinalubong ng pamilya ng singer-actor na si Ogie Alcasid ang pagsapit ng kapaskuhan.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi nito ang isang larawan kung saan ay kasama nito ang kaniyang asawang si Regine Velasquez at ang anak na si Nathan.

Kasama rin sa naturang larawan ang mga anak nitong sina Sarah at Leila kasama ang dating asawa ni Alcasid na si Michelle van Eimeren.

Hindi rin naman nawala sa pagtitipon ang kasalukuyang asawa ni Michelle na si Mark Morrow.

Masayang nakangiti ang mga ito na ipinapakita ang saya bilang isang pamilya.

Jobelle Macayan

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?