500

Apr 25, 2019 @ 10:55
By

Ogie Alcasid dinepensahan si Regine sa mga tirada ni Ben Tulfo

Dinepensahan ng singer na si Ogie Alcasid ang kaniyang asawa na si Asia’s Songbird Regine Velasquez matapos ang ‘paninirang puri’ dito ng radio host na si Ben Tulfo sa isang Facebook livestream.

Ito ay matapos na punain ni Velasquez si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa sinabi nitong hindi dapat magdigmaan ang Pilipinas at ang China dahil lamang sa shellfish o clams, dapat lamang umanong bayaran ng huli ang mga lamang dagat.

Noong Linggo ay nagbigay mensahe si Tulfo kay Velasquez sa pamamagitan ng FB livestream.

“Ang mensahe ko sa ‘yo, Regine Velasquez, next time you open your mouth, think. Make sure na may laman ang utak mo.”

“Wala naman talagang kaalaman sa pagdating sa sinasabing kanilang mga pananaw pagdating sa foreign affairs…Ano bang alam nitong si Regine Velasquez other than kumanta lamang?” saad ni Tulfo.

Dinepensahan ng singer na si Alcasid ang kaniyang asawa sa pamamagitan ng Twitter post.

“Sir @bitagbentulfo . I offer my cheek to you. After you have maligned my wife I ask that you focus on me. She is after all a lady. God bless you sir,” saad ni Alcasid sa isang tweet.

Agad namang bumuwelta si Tulfo at sinabing dapat umanong sabihan ni Alcasid ang asawa na mag-focus na lamang sa kaniyang career.

“I am not here to hurt anyone. I am talking with sincerity and truthfulness. This is a serious issue. Tell your wife to focus in her career. Please, not Foreign relations and issues. I do respect you and your wife,” saad ni Tulfo.

Nagpasalamat naman si Alcasid sa payo ni Tulfo.

“Thank you for your reply and your sincere advice. I respect your view on these matters also. God bless always,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?