84

Oct 21, 2017 @ 13:44

OFWs sa Malaysia, nag-ambag ng P1.5M sa Marawi fund

Umiral ang bayanihan sa mga Filipino sa Malaysia matapos mag-ambagan para sa Marawi City evacuees at sila’y nakalikom ng P1.5 milyon.

Sinabi ni Philippine Ambassador Charles Jose, pinangunahan ni Princess Dato Sri Dr. Becky Leogardo ang fund-raising event na ‘Night of Music and Fashion’ sa Shangri-La Hotel sa Kuala Lumpur kamakailan.

Ayon pa sa opisyal, hindi lang mga Filipino ang nag-ambag kundi maging mga Malaysian na dumalo sa naturang okasyon sa pangunguna ni Her Royal Highness Sultana Hajjah Kalsom ng Pahang.

“When Princess Dato Sri Dr. Becky approached the Embassy about the idea of doing a fundraiser for the benefit of those affected by the Marawi siege, we were heartened that the Filipino community in Malaysia has once again taken the initiative to help those back home. It is also heartwarming to see so many Malaysian friends participating in our fund-raising event,” ani Jose. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?